Madilim man ang kalangitan
o magulo ang ating kinagisnan,
sa dalampasigan at dapit-hapon ng ating kamalayan
ay may pag-asa pang liripin ang kapalaran
sa paglalakbay ng buhay at sa pahimakas ng kaibigan
darating tayo sa bingit ng karimlan
at mula doo'y sisinghapin ang katuparan
ng mga pangarap sa ibayo ng karagatan
Loading contexts...